By Anawi Tolentino MD, President, ASP Hagonoy Chapter
Lubos ang pasasalamat ng mga magulang na bumubuo sa Special Parent for Special Child (SPSC) sa bayan ng Hagonoy, sa lalawigan ng Bulacan nang paunlakan ng pangulo ng Autism Society Philippines na si Gng. Janette Peña ang paanyaya upang maitalaga ang pamunuan at mga kasapi ng ASP Hagonoy Chapter.
|
FSG participants with Ms. Anawi Tolentino (2nd to the right) and Ms. Janette Peña (1st to the right) |
Sabado ng umaga nang dumayo si Mam Jan, kasama ang kanyang anak na si Muneer, sa gusali ng Sangguniang Bayan ng Hagonoy kung saan idinaos ang maikling programa. Bilang pagbati sa kanilang pagdating ay naghandog ng maindak na sayaw ang mga kabataan ng SPSC at ito'y sinundan ng maikling pananalita ni Gng. Peña tungkol sa mga hamon na pinagdaraanan ng mga pamilya ng mga batang may autismo at ng mga batang may kapansanan.
Sa panghuli ay ginanap ang panunumpa ng mga magulang na inihalal na maging pamunuan ng ASP Hagonoy Chapter. Naway ang aming chapter at ang mga bagong pinuno nito ay magpatuloy sa pangunguna sa pagkalinga at pagtulong sa mga taong may autismo sa aming pamayanan.
1 comments:
Patuloy lang tayo, sulong, Hagonoy!! :-)
Binabati ko kayong lahat!! God bless you more!
Post a Comment