The Autism Society Philippines (ASP) is a national, non-profit organization dedicated to the well-being of persons on the autism spectrum disorder. We envision a society where Filipinos on the spectrum become the best of their potentials -- self-reliant, independent, productive, socially-accepted citizens of an Autism-OK Philippines.

04 June 2014

Ang unang pangkalahatang pagpupulong ng ASP Makati

Ang mga kasapi at panauhin ng Autism Society Philippines ay nagkaroon ng isang orientation seminar sa Multi-Purpose Hall ng Cembo, Makati City patungkol sa paksang “Understanding Autism/ Behavior Management and Sensory Integration”, noong nakaraang Sabado, ika-24 ng Mayo, 2014.


Mga kalahok ng orientation seminar

Sa pang-umagang sesyon, Si Gng. Janette Peña, National President ng ASP, ang naging tagapagsalita para sa paksang “Understanding Autism” na tumalakay sa kung paano unawain at maunawaan ang mga taong may mga ganoong kalagayan. Sa panghapong sesyon naman, tinalakay ni OT Erwin Pedrogosa-Bote ng GOTIS (Group of Therapists in South) ang tungkol sa “Behavior Management” sa pamamagitan ng applied behavioral analysis (ABA). Itinuro naman ni OT Kelvin Esguerra ang tungkol sa “sensory integration” at mga angkop na paraan para matugunan ang sensory needs ng mga taong may autismo.

Bilang isang magulang, marami akong natutunan sa mga tinalakay at isa itong malaking tulong sa akin maging sa mga kapwa ko magulang. Batid ko na maging ang mga guro ng SPEd na dumalo ay tuwang-tuwa dahil mas napalawak ang kanilang kaalaman na maibabahagi nila sa kanilang kapwa guro at mga estudyante. Masasabi kong mapalad kami dahil isa kami dito sa Makati na nabigyan ng panahon ng mga taong tumutulong sa kagaya namin na mapalawak ang aming kamalayan at kaalaman bilang magulang na may anak ng ganitong kapansanan. Pinapasalamatan ko ang kanilang katiyagaan at pasensiya sa pagtugon at pagbabahagi ng kanilang nalalalaman. Hinihikayat ko ang mga kapwa ko magulang na kapag may mga ganitong pagkakataon ay huwag nila itong palampasin, dahil hindi nasasayang ang bawat oras ng kanilang pagdalo at hindi matatawaran ang karunungan ng mga taong nagbahagi ng libreng kaalaman sa mga katulad naming mga magulang. Salamat sa Panginoon dahil ito ay isang matagumpay na gawain at nawa’y hindi manghinawa ang mga tagapagturo na magpursige sa layunin nila na ipalaganap ang kanilang kaalaman. Umaasa din ako na maging buo ang samahan namin dito sa Makati para sama-sama naming maitaguyod ang aming adbokasiya na mas maipaalam pa sa lahat ang kalagayan ng mga taong may autism at maisulong pa ang kanilang mga karapatan.

Tungkol sa may-akda. Si Percieveranda B. Villanes ay isang magulang na may anak na may autismo na si Harvey Isrel na ngayon ay may edad 21 taong gulang. Na-diagnose si Harvey sa edad na 3 taong gulang. Si Mommy Percie ay kasalukuyang P.R.O sa ASP Makati Chapter.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Sweet Tomatoes Printable Coupons