Isang mainit na pagbati sa The Autism Society Philippines sa inyong pagdiriwang ng 25th National Autism Consciousness Week! Maraming salamat sa buong-puso ninyong pagsusulong sa adbokasiyang ito.
Sa kabila ng pandemya, it brings me joy to see that your organization thrives on bringing people together, bound by a common purpose. This is at the core of what makes us truly human -- we build connections, nurture these relationships, and foster a community where we empower each other. Magkakarugtong ang diwa nating lahat, and each person is an extension of another.
You have been animated by this philosophy, not only in theory; but also in the initiatives you've launched throughout the years. By creating spaces like this, sinisiguro ninyong bumubuo tayo ng isang lipunang bukas at malay, isang mundo kung saan bawat kababayan nating may autismo ay kinakalinga at inaaruga. At kahit ngayong may pandemya, you have built bridges where you can, making real connections with fellow advocates and the like; patuloy na naghahanap ng paraan para makatulong sa kapwa, para maabot yung mga kailangang abutin, dito at ngayon. Hanga ako sa bawat isa sa inyo.
Ang panawagan ko sa inyo ngayon: Continue to widen your circles of service and compassion. Keep having meaningful conversations and find new ways to reach more. And together, reimagine the future with courage and with hope -- manifesting a better normal, a world where no one is left behind. Kaisa ninyo kami sa OVP sa pagsulong ng isang mas makatao, mas patas, at may mapagkalingang mundo. Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!
LENI ROBREDO
Message Leni |
0 comments:
Post a Comment