Paano nga ba nahilig ang isang batang may autismo sa pag-boboses, gayong ang sabi - mas gusto nila ang mapag isa?
Si Ate Phen habang siya ay nasa dubbing booth |
Kaya nang ako ay mabigyan ng pagkakataon na maimbitahan para mag record ng isang audio book, nakiusap sakin si Ate Phen a kung pwede din daw syang mag-dubbing. Ang nasa isip ko lamang sa mga oras na iyon, pip-icturan ko lang siya sa loob ng recording studio. After noon, alam kong magiging maligaya na siya. Subalit after ko s’ya makunan, hinanap nya sa akin iyong babasahin daw nya na part ng script! Nagulat ako pero bilang isang Ina, isang karangalan at kaligayahan sa isang tulad ko na mapagbigyan at mahasa ang talento na meron ang anak ko. Nakiusap ako sa direktor na mapagbigyan ang kanyang hiling. Laking gulat ko na lamang nang narinig ko ang aking anak: marunong pala siya na ibagay ang kanyang boses base sa istorya ng kanyang binabasa. Sobrang nag-uumapaw ang aking kagalakan sa mga oras na iyon! Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Maaaring mapanuod dito ang video ni Ate Phen habang siya ay nasa dubbing station: https://bit.ly/3yKnaSc
Ito ay isang pagpapatunay na ang mga tulad nila ay kelangan lang bigyan ng pagkakataon upang maipamalas ang kanilang mga natatanging angking kakayanan. Sa ating paniniwala at pag-agapay sa kanila, tiyak na makakamtam nila ang landas na gusto nilang tahakin.
Sa mga kagaya ko na magulang, lalo na ung mga nawawalan ng pag-asa: sila pala ay may pag-asa, nakasalalay lamang sa ating mga kamay. To God be the Glory!
About the contributor: Mommy Esperanza Marzo o Mommy Espie sa karamihan ay ang kasalukuyang chapter president ng ASP San Mateo. Si Mommy Espie ay may 2 anak, ang panganay niya na si Ate Phenelope ay may autismo. Siya ay supplier ng lechon at seafoods bilang kabuhayan.
0 comments:
Post a Comment