The Autism Society Philippines (ASP) is a national, non-profit organization dedicated to the well-being of persons on the autism spectrum disorder. We envision a society where Filipinos on the spectrum become the best of their potentials -- self-reliant, independent, productive, socially-accepted citizens of an Autism-OK Philippines.

09 June 2023

ASP’s Homepowerment Program Empowering families with knowledge and skills

Napakahalaga ng tamang pagtuturo sa bahay sa pag-unlad ng ating mga anak na may autismo. Kaya’t ang Autism Society Philippines ay muling maglulunsad ng training para sa mga magulang at tagapag-alaga tungkol sa pagtuturo at pag-aaruga sa kanilang mga anak sa tahanan.


The image shows a teacher, mother and her child with autism. The teacher shares to the mother of her child's activities.
The HOMEpowerment 2023 Poster

Layunin ng Autism Society Philippines Homepowerment Program na mabigyan ng kakayahan ang mga pamilya, lalo na yung hirap tustusan ang regular na pag-therapy ng kanilang mga anak, na gawin ang nauukol na pagtuturo at therapy sa bahay.

Ang Homepowerment Program ay nagbibigay ng:
● training para sa mga magulang at taga pag-alaga ng mga batang may Autism Spectrum Disorder
● libreng Occupational at Speech and Language assessment at Home Program sa mga piling pamilya ng mga batang 8 taon pababa (as of June 2023)
● mentoring (1 on 1) sa pagpapatupad ng Home Program sa mga napiling pamilya.

Ang mga training at workshop ay gagawin online at sa opisina ng ASP sa Quezon CIty habang ang assessment at therapy sessions ay, hangga’t maaari, gagawin sa pinakamalapit na therapy center sa lugar ng napiling pamilya.

Sino ang mga maaaring sumali sa Homepowerment Program?
Lahat ng regular na miyembro ng ASP ay maaaring sumali sa online at onsite trainings and workshops. Para sa mga pamilyang malayo sa opisina ng ASP, kinakailangan na mayroong malakas na signal ng internet sa lugar nila at cellphone o computer, para makasama sa online sessions. Maaaring magpahiram ang ASP ng prepaid modem sa mga piling pamilya na walang postpaid internet sa bahay.

Para sa libreng OT at ST assessment at Home Program, ang maaaring sumali ay:
● mga anak ng regular members ng ASP na may diagnosis ng ASD
● 8 taong gulang pababa as of June 2023
● ang mga magulang ay may sapat na paninindigan at kakayanang ipatupad ang programang imumungkahi sa kanila
● ang mga magulang ay nakadalo sa lahat ng training sessions at nagawa ang mga assignment sa workshop

Bibigyang prayoridad ang mula sa low-income families at mga walang access sa therapy ang bata; isasa-alang-alang din kung matagal nang miyembro ng ASP.

Para mag-apply sa Homepowerment Program, sundan ang link na ito at ibigay ang mga hinihiling na impormasyon. Hintayin ang email o’ mensahe mula sa ASP.

Madalas tanungin:

Sino ang maaaring sumali sa mga training workshops?
Ang training workshops ay bukas sa lahat ng regular na miyembro ng ASP anumang edad ng kanilang anak. Bagamat nakatuon ang training modules para sa early intervention programs, maaari pa rin makatulong sa lahat ng edad ang strategies na pag-uusapan.

Ang mga dumalo sa trainings ay bibigyan ng pagkakataong magtanong at makatuklas ng nauukol na strategy na makakatulong tugonan ang ilang pangangailangan ng kanilang anak.

Lahat ng gustong sumali sa training ay dapat mag-register din para mabigyan ng schedule at link sa training.

Ilan at kailan ginagawa ang mga training?
May hindi kukulangin sa 10 modules ang training-workshops. Ito ay gaganapin minsan sa isang linggo sa oras at araw na pinakamainam sa mga napiling beneficiaries. Ang bawat session ay tatagal ng mga 2 oras. Maaaring may takdang gawain pagkatapos ng mga workshop.

Ilan ang libreng therapy sessions na ibibigay ng Homepowerment?
Bawat mapiling beneficiary ay magkakaroon ng hindi kukulangin sa 6 na session ng Occupational Therapy at 6 na session ng Speech therapy. May isang session ng Case Team Conference kung kailan ipapaliwanag ng OT/SLP sa mga magulang/tagapag-alaga at mga parent-mentors ang kanilang Home Program.

Ang pinakalayunin ng therapy sessions ay:
● matukoy ng therapist ang kakayahan ng bata
● matukoy ang pangunahing pangangailangan ng bata
● pinakamabisang paraan ng pagtuturo sa bata (teaching strategy)
● turuan ang mga magulang kung paano ipatupad ang home program

Pagkatapos ng 4-6 na buwan ng pagpapatupad ng Home Program, maaaring magkaroon ng re-assessment at reevaluation ang mga therapist.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Sweet Tomatoes Printable Coupons